Holynian ako, eh ano ngayon? Hindi ko minsan maintindihan kung bakit kailangang maging associated sa isang grupo para magkaron ng identidad. Ilang beses na rin akong tinanong kung affiliated ba ako sa anumang political group ng unibersidad. Iisa ang sagot: HINDI. Hindi ko kailangang maging kasapi ng kahit na anong grupo upang magkaroon ng sasabihin, upang maisip ang iisipin. Kaya kong gumawa ng posisyon sa labas ng anumang organisasyon. Kaya kong mag-isip kahit hindi na ipinaiisip sa akin ang dapat kong isipin.
Minsan, gaano man natin ito itago'y nililinlang tayo ng mga grupo. May ipinakikilalang ideyolohiya ta identidad sa atin ang mga ito - walang pinagkaiba sa mga ad ng mga produktong pinaghahalo ang mga makatawag pansing kulay, mga modelo, at samut sari pang mga pakulo upang tangkilikin. Subalit hindi grantiya ang ad sa kagandahan at kagalingan ng produkto sakali mang tangkilikin ito. Hindi garantiya na ang mga ideyolohiyang ibinabandera ang siya ngang isinabubuhay ng grupo.
May halong panlilinlang sa bawat galaw. Mataktika ang bawat kilos upang makahikayat ng mga kasapi.
Maaring pagkakataon lamang ang nagdala sa akin sa Holy. Isang pagkakataong hindi ko kayang itapon at itanggi. Subalit hindi ko naman maaaring ariin ang lahat ng kanyang isinusulong. taliwas sa grupo ang aking mga paniniwala. Ayaw ko sa utos, sa regulasyon. Ayaw ko sa mga instruksyong walang paliwanag. Nakabibingi ang dogma at nakabubulag ang liwanag.
Hindi ko kailangang pumaloob sa sistema dahil nagkataong kabilang ako dito. Sa katunayan, maari kong baguhin ang sistemang kinaayawan ko. Sabi nga, para sa ating mga nasa ibaba, walang ibang direksyong dapat tunguhin kundi pataas. Maaaring nagkataon lamang na napadpad ako sa paaralang iyon at gustuhin ko man o hindi'y may mga bagay naibigay sa akin ang walaong taong pagtigil doon. minahal ko na rin ang institusyon. Kaya kabilang sa mga adhika ko ang baguhin iyon gano man ako kahina at kaliit.
Konting panahon pa. Konting pag-iisip pa...
No comments:
Post a Comment