-June Bride-
Ito ang unang June na di ko inabala ang sarili ko na problemahin kung saan ako kukuha ng pang tuition o ang pasakitin ang ulo ko sa kahahanap ng prof na mag si-sign ng TP form ko o ng Form 5 ko. Ito rin syempre ang unang June na di ako nagpumilit gumising ng maaga para makaabot sa klase.
Nakakatawa pero nakakapanibago to an extent nakakamiss din yung mga June na yun ng buhay ko.
Parang dati sobrang windang ka pag June kasi vacation mode ka pa rin pero wala kang magawa kasi nakikipagtitigan ka nanaman sa mga numbers at sa santambak na readings na nakalatag sa harap mo.
Tuwing June sobrang parang sampung taon mong di nakita yung mga friends mo. Tatambay kayo sa lobby mag kwe-kwentuhan habang sinusunong ang mga baga nyo sa yosi. Tatawa kayo ng napalakas na parang kayo lang ang tao sa buong campus. Kapag napasarap ang upo nyo sa lobby tatamarin na kayong pumasok at ipabibigay nyo na lang ang classcard nyo sa kung sino mang nagsipag-sipagan kasi nga June sabay sibat at punta sa kung saan.
Sa June din pabida ang mga prof... nagpapa impress hoping na mababago ang masamang image nilang nakaukit na sa kokote mo. Magsisimula silang magpaulan ng sangkatutak na readings at problem sets. Susubukan din nilang manggulat sa syllabus nila na mukhang pinaghandaan pero recycled lang naman.
At syempre sa June din bumabaha ng mga freshie na naghahanap kung saan ba yung TBA. Malamang dahil upper class ka na sasabihin mo na yung TBA ay nandun sa pinakamalayong sulok ng University. Ang kawawang freshie naman , pupunta nga sa direction na tinuro mo.
Sa June nakakaasar pumunta ng lib kasi excited pa ang mga tao na magbasa ng libro kaya napakahaba ng pila lalo na sa reserve section. Mahirap ding magpaphotocopy kasi lahat halos ng mga nagpapanggap mag-aral ay nagpapaphotocopy ng mga readings na itatambak nila sa mga boarding house nila.
Pero ang pinakamasarap sa lahat ng June ay ang thought na magsisimula ka nanamang makapulot ng mga bagong aral na magiging sandata mo sa buhay...
No comments:
Post a Comment