I live like there is no tomorrow, love as if I do not know heartache, dream as if i have not known failure, embraced the world as if it embraced me back, and I write as if I will die without words.
I am Ayien.

Wednesday, August 11, 2004

bagong posisyon sa lumang espasyo

kagabi, wala akong ibang ginawa kundi matulog dahil naghahanda ako sa pagising sa ganap na ika-tatlo ng umaga. sa di ko pa ring maipaliwanag na dahilan, sa oras na ito ko nagagawang mag-aral, mag-isip, magpakalunod sa kaisipang parang kumunoy kung di mo alam kung saan ka tatapak. alas tres. di muna ako bumangon. hinayaan ko munang managinip nang gising ang aking sarili (tutal wala naman itong bayad). nang mahimasmasa't tuluyang magising, nagtungo ako sa lamesang ginagamit upang kainan at pag-aralan (sa isang munting boarding house na tulad ng tinutuluyan ko, ang lahat ng gamit ay hindi naipapako sa iisang gawain). isa-isa kong sinulat muli ang mga araling naisulat ko na noon sa klase (hindi ko alam kung bakit subalit sa ganitong paraan ako natututo - sa pagsulat ng mga kaalaman sa halip na basahin o di kaya'y isaulo). parang tubig na malayang bumuhos ang mga ideya sa aking ulunan. parang tape na ni-rewind ang mga imahe sa aking isipan. lahat ay malayang pumapasok at lumalabas maging mga bagay na di dapat aralin o alalahanin ay sumasagi sa aking isipan. ang mga birong wala namang kaugnayan sa paksa, mga halimbawang parang malabong sketch, mga kalansay na binuo sa klase.
at habang ngang unti-unti kong hinihimay ang aking magulong kwaderno'y naglalaro sa isip ko ang samu't saring mga halimbawang makatutulong sa akin upang higit na maunawaan ang aking aralin. ito marahil ang kaibahan kung basta binasa na lamang o minemorya ang mga aralin - saglit lamang na nananahan ang mga ito sa isipan.
(footnote (?!?): hanggang ngayo'y tanda ko pa ang mga lesson ko sa kinder ang this is na ang sabi ng mama ko'y gagamitin ko kung hawak ng drawing(isang stick figure na kadalasa'y babaeng may tatsulok na katawan) ang isang bagay (na kadalasa'y lobo ....ewan ko, pero kung tatanungin mo ako ngayon, sasabihin kong condom iyon...hahaha talk about sumbliminal meanings), o ang sabi noong high school na ang babae'y parang plantsa (mahirap uminit, ngunit pag uminit na, tanggalin mo man sa saksaka'y mainit pa rin) na di tulad ng mga lalaking parang makina (on-off lang...parang switch)).
sa kadahilanang ito, nais kong ibahagi ang aking bagong mga posisyon para sa iba't ibang lumang espasyo (na muli, ay ayon kay edward said na isa sa dinadamdana ng aking guro...walang problema, gusto ko ang teorya niya).
unang espasyo: McDonalds
pagpasok mo pa lamang ay amoy na ng pinipritong burger patty ang babati sa'yo. siksik sa bango at sa kolesterol (yummm!!). sa likod ng counter, ng mga estanteng kargado ng mga styrong may lamang manok o spaghetti, ay ang mga pawisang empleyado (na kadalasa'y mga estudyante ng kolehiyo). mga empleyadong sunog na ang balat sa tilamsik ng mantika, mga empleyadong kahig kalabaw para sa kaunting pera (sabi ng kaibigan ko'y mga PPh 24 0 23 lamang kada oras). baryang sahod para sa trabahong kalabaw lamang ang pwedeng gumawa. sa pagsailanlang ng amoy ng manok o ng fries, kumakalam ang tiyan ng crewng na piprito o naghahanda ng pagkaing ihahain sa isang customer na inip at inis na sa bagal ng anar ng pila. kung mabait ang customer, ay ok lang maghintay, malas mo lang kung sa'yo tatapat ang isang knoyotik na customer na magsasabing: "shit, you're so bagal..." sabay ayos ng bag, taas ng kilay, ay hawi ng buhok habang bumubulong ng kung anong mura. ang cashier nama'y ngingiti pa rin, magpapaumanhin (ngunit kung ako iyo'y dinuraan ko na ang softdrink niya habang nilalamanan ko ang baso nito). iisa lang ang gusto kong tumbukin: ang mcdo ay isang espasyo ng opresyon. inaalila ang mga tao upang payamanin lamang ang isang dayuhang nagtatago sa isang stripped na mascot o ng violet na si grimmace (joke: bat violet si grimmace, eh wala namang ube sa mcdo?).
paano kokontrahin o isa-subvert ang espasyong ito? isa lang ang ginagawa ko: papasok ako sa mcdo, tutuloy sa comfort room at iihi (hehehe). dumi ang tingin nila sa atin, well, literal namang dinudumihan ko sila. binabawasan ko na ang pagkain sa mcdo. gaya ng sabi ko'y pumupunta na lamang ako dito upang umihi. tinalikuran ko na ang espasyong ito bilang lugar na makakainan, isang kaiga-igayang lugar upang makipagkaibigan, isang lugar ng ngiti, ng saya, at ng magagandang ala-ala. para sa akin, wala itong pinagkaiba sa kubeta.
space 1: mcdo, ang bagong inodoro
ikalawang espasyo: mall
iisa lamang ang itinuturo ng mall - ang gumasta nang walang kapararakan. consummerism consumes the whole of our society. it is like liquor slowly intoxicating us until we become too weak to resist. pero hindi ako. ang mismong turo ng mall ang panlaban ko dito - i am an ukay goddess (hahaha ulit). bukod sa praktikalidad, bakit ko tatangkilikin ang lintang umuubos sa dugo ng mga magsasakang wala nang mapagbentahan ng kalakal? bakit ko bubuhayin ang pumapatay sa libo-libong mga negosyong bumubuhay sa libo-libong mga maliliit na empleyado.
kaya mga mall, maghanda, ingatan ang mga librong sinulat ng mga dakila... baka madekwat lamang ng isang tulad ng inyong lingkod.
ikatlong espasyo: internet
addict ako sa internet. nakagugulat ang pwede nitong gawin. sa isang mundong nawawalan ng espasyo, ang internet na ang pinakamabisang paraan o manepestasyon ng globalisasyon. pinag-iisa tayo nito na para bang ang kulay, ang linggwahe, ang mga teritoryo'y pawang arbitraryo na lamang. may leksyon din ang internet: ang ibenta ang sarili. sa panahong ito, hindi na produkto ang kalakal, mga tao na. dapat kaya mong i-market ang sarili mo upang mabili (o magustuhan) ka ng ibang tao. ito ay ipinamamalas ng mga instant messaging sevices, maging ng mga networking services.
may paraan upang lumaban. sa palagay ko'y di ko na kailangan pang ipaliwanag kung paano (dahil ito'y gamit ko na).
space 3: internet: bagong lugar ng diskurso.
alas sais na. namimigat na ang aking mata, iidlip na muna ako. magigising sa ganap na ika-walo. may pasok sa ganap na ika-siyam. ayaw ko ng relos. ayaw ko sa limitasyon.
august 11, 2004

No comments: