I live like there is no tomorrow, love as if I do not know heartache, dream as if i have not known failure, embraced the world as if it embraced me back, and I write as if I will die without words.
I am Ayien.

Saturday, August 28, 2004

Prayer of the Intellectually Challenged

Lord, many truths had claimed my life,
And I had forgotten that You are already
The truth that I have constantly sought.
They have promises saccharinely coated
They have promised better societies,
And a better world.
I have forgotten that yours was the sweetest
Of all promises – salvation through your
Son, Jesus Christ our Savior.

Lord with folded knees I pray
That may your eyes of mercy look upon me –
All blemished, scorched and filthy from my misdeeds
And hear my cries, O, Lord: I need you in my life!

I have been stubborn and foolish
I turned away from you believing
That I could explain everything on my own,
That I can walk without you guiding my path,
Keeping me away from traps.

Dear Lord, I was wrong
I beseech Thy mercy!
Lord, God, look upon me.
Forgive me from straying from the flock.
Lord, now I know that Yours was
The only voice that I should follow.

August 27, 2004

Thursday, August 26, 2004

Green Tea (Less the Honey)

may mainit na tsaa sa tasa kanina
humahalina ang usok...
unti-unti, dahan-dahan sa pag-akyat
upang kilitiin ang dalawang naghihintay
na butas ng ilong na naninigas sa
kalamigan ng bumabayong umaga.
pagdampi sa ilong ay agad na
nangunyapit ang pait ng mga
pinulbong dahon.
hmmmnnnn...
humahalo ang pait
sa nakapapasonginit.

tinutukso ng ilong ang dila
sa halina ng tsaang dumampi
sa mga ugat nagdadala ng ala-ala.
Ah, tsaa... ang pait na humahalo
sa init. ang linamnam at ang kilig.
ah, tsaa...
ang pinagsaluhan namin nang
kami'y huling magkita.

"Magtsa-tsaa ka ba?"
"Hindi na muna..."
August 24, 2004

Thursday, August 19, 2004

Transcendence

My sun has risen
Over my rainbow-sprinkled
Ocean. My dreams where shaken
by my immortal lust for change.
My present is behind me.
My future trails over me.
My past has been edited many times
By authors who never existed.

And my wind is blowing
over my curly hair. Whispering songs
that were kept unscored,
reciting poems that are yet to be made.

My moon is soon to set
Over my misted west.
And desperately I have prayed
for another sunshine,
another promise of a rainbow-sprinkled
horizon, and another windy afternoon

to fly kites that would embrace the sky
and spell a thousand words
that were opted to be kept unsaid,
that would fly the thoughts to a space
way beyond my limits.August 18, 2004

Monday, August 16, 2004

Going Global

Isa akong maskarang nagkukubli
Sa isa pa uling maskara.
Ang pangalan ko'y hiram lamang
Sa dating sinta ng aking ama
At sa mahal kong lola
Apelyido ko'y bandera ng aking ama
Ang aking ari ay ari na ng iba.

Isa akong hanginng nakikihalubilo
Sa mga tulad ko ring hangin.
Mga mata'y nakakubli
Sa mga talukap na walang identidad,
Mga dila'y nilalamon ng gahaman na labi.

Isa akong maskarang namumuhay
Sa daigdig na walang mukha
Ang lahat ay pawang hindi iyo
At hindi rin kanya
(lalo pang hindi akin...
paano maaangkin ang isang bagay
na hindi masalat, malasahan, o maamoy?)

Namumuhay ako sa mundo ng karamihan
Ang mga ideya'y parang mga batong
Tinatadyakan at hindi makita ang
Angking kaibahan.

Isa akong maskarang natatabingan
Ng isa pa muling maskara
Namumuhay sa daigdig
Ng mga walang mukha.
august 16, 2004

Saturday, August 14, 2004

Cynicism Strikes Back

A fear enveloped me last night. All of a sudden I do not want my lids to close though they are beginning to feel heavy already. Thoughts fly here and there like ghosts searching for a soulsearcher. I have been like this for months. I will wake up around 1 a.m. with anxiety blanketing me.

Many times I have tried to comfort myself by saying that nothing bad is going to happen. Trust in the Lord, He will never leave me alone. And yet some unknown force has been pushing me in the realm of anxiety and fear. I have prayed countless prayers, prayers I have learned from kindergarten up to the prayers I compose in the present. It has been a torture, a taste of hell.

What is the fear about? I fear that I’ll never open my eyes ever again once I close them. I fear death. I do not know if it was merely an illusion, a delusion, or reality. I have been smelling death for the past weeks. I have tasted it at the tip of my tongue. It is both sweet and bitter. It is both fragrant and foul.

every morning, as I open my eyes and allow the sunshine to caress my lids, I tell myself, my God and I have conquered my enemy. I am alive, safe, no harm done. There is nothing to fear after all.

Then, there were moments when ideas clash inside me. I have ingested too many theories in this existence that they begin to fight each other. My predominant influences come from the feminist school as well as the idealist school. Both have been teaching me to empower myself; to be constantly aware or the things around me - to be critical, to be vigilant. And I have asked God why has He given me this wide horizon? What are His plans? He will never let me learn these theories for nothing. I believe in teleology. What is my telos? Those are a few questions I have yet to answer.

But this criticalness has both been a curse and a gift. Nothing is what it is. And now I have learned to read the underlying meanings found in seemingly ordinary things naturalized in this society cultured by silence (as Fraire have said). I am blessed that I recognize oppression though cloaked with golden clothing. Knowing this makes me find ways to awaken my people and myself from slumber.

And yet this criticalness has gone a notch out of place. Yesterday I have visited the church and noticed for the first time the patriarchy enveloping the whole institution. The architecture alone shouts the patriarchal order. The altar is elevated from everyone else signifying an unquestionable superiority and authority. And from this mood I have asked, should Christ been female, would we still consider his (her) teachings as valid? Would we believe him (her)? Regard him (her) as the son (daughter) of God, looking both in the context of their time and ours? If not, does that mean that patriarchy exists even in Heaven?

I hate being in this mood. I hope it will soon pass over me. But as long as it is still blanketing me, all I could do is to ponder and try to find answers. August 6, 2004

kakaiba ang lamig ngayon sa hangin - tumatagos sa laman, nanunuot at humihiwa sa a buto. kagaibi'y may nabasa akong maikling kwento. metaphorical ang dating, tipong pinag-iisipan. at sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan'y naka-relate ako sa kalagayan ng tauhan. napansin at naramdaman kong ang metapora sa akda ay metapora rin para sa akin. tungkol iyon sa isang nurse na nangibang bansa sa pagnanasang magkaroon ng masmagandang buhay. arrhytmia sa taglagas ang pamagat ng akda. subalit higit pa sa kondisyong medikal ang nais salatin at masalat ng akda. tumatagos ito sa kaibuturan ng mga pusong normal ang pintig at hindi binabalot ng taba. isang puso na tulad ng sa akin. normal na pumipintig, walang balaot na taba ngunit unti-unting pinababagal ang pagpintig, unti-unting pinapatay ng katahimikan ng sistema.
matagal ko nang nadaraman na pinalalamig ng kapaligiran ang init at alab ng aking mga pangrap. may mga pagkakataong nais ko nang sumuko at magpailalim na lamang sa umiiral na kaayusan.
subalit, tulad ng tauhan sa kwento'y nais kong kumawala sa katahimikang bumabalot sa akin. gusto kong magsisisigaw at pumalahaw na parang nawalan ng bait sa sarili. gusto kong wasakin ang lahat ng kagandahang nagkukubli sa realidad.
unti-unti ay bumabagal ang pagpintig ng pusong ito. natatalo na yata ng bumabalot na kawalang loob. papayag ba ako? hahayaan ko bang basta na lamang patayin ng kawalang pag-asa ang apoy na buong buhay kong pinaningas?
muli, ang sagot ay nasa akin parin. ang namumutawing tanong lamang ay : kung nais ko bang tanggapin ang kasagutan? hanggang sa pagkakataong iyon, mananatili ang lamig at ang katahimikan ng mga gabing mas mahaba na kaysa sa araw.

Wednesday, August 11, 2004

bagong posisyon sa lumang espasyo

kagabi, wala akong ibang ginawa kundi matulog dahil naghahanda ako sa pagising sa ganap na ika-tatlo ng umaga. sa di ko pa ring maipaliwanag na dahilan, sa oras na ito ko nagagawang mag-aral, mag-isip, magpakalunod sa kaisipang parang kumunoy kung di mo alam kung saan ka tatapak. alas tres. di muna ako bumangon. hinayaan ko munang managinip nang gising ang aking sarili (tutal wala naman itong bayad). nang mahimasmasa't tuluyang magising, nagtungo ako sa lamesang ginagamit upang kainan at pag-aralan (sa isang munting boarding house na tulad ng tinutuluyan ko, ang lahat ng gamit ay hindi naipapako sa iisang gawain). isa-isa kong sinulat muli ang mga araling naisulat ko na noon sa klase (hindi ko alam kung bakit subalit sa ganitong paraan ako natututo - sa pagsulat ng mga kaalaman sa halip na basahin o di kaya'y isaulo). parang tubig na malayang bumuhos ang mga ideya sa aking ulunan. parang tape na ni-rewind ang mga imahe sa aking isipan. lahat ay malayang pumapasok at lumalabas maging mga bagay na di dapat aralin o alalahanin ay sumasagi sa aking isipan. ang mga birong wala namang kaugnayan sa paksa, mga halimbawang parang malabong sketch, mga kalansay na binuo sa klase.
at habang ngang unti-unti kong hinihimay ang aking magulong kwaderno'y naglalaro sa isip ko ang samu't saring mga halimbawang makatutulong sa akin upang higit na maunawaan ang aking aralin. ito marahil ang kaibahan kung basta binasa na lamang o minemorya ang mga aralin - saglit lamang na nananahan ang mga ito sa isipan.
(footnote (?!?): hanggang ngayo'y tanda ko pa ang mga lesson ko sa kinder ang this is na ang sabi ng mama ko'y gagamitin ko kung hawak ng drawing(isang stick figure na kadalasa'y babaeng may tatsulok na katawan) ang isang bagay (na kadalasa'y lobo ....ewan ko, pero kung tatanungin mo ako ngayon, sasabihin kong condom iyon...hahaha talk about sumbliminal meanings), o ang sabi noong high school na ang babae'y parang plantsa (mahirap uminit, ngunit pag uminit na, tanggalin mo man sa saksaka'y mainit pa rin) na di tulad ng mga lalaking parang makina (on-off lang...parang switch)).
sa kadahilanang ito, nais kong ibahagi ang aking bagong mga posisyon para sa iba't ibang lumang espasyo (na muli, ay ayon kay edward said na isa sa dinadamdana ng aking guro...walang problema, gusto ko ang teorya niya).
unang espasyo: McDonalds
pagpasok mo pa lamang ay amoy na ng pinipritong burger patty ang babati sa'yo. siksik sa bango at sa kolesterol (yummm!!). sa likod ng counter, ng mga estanteng kargado ng mga styrong may lamang manok o spaghetti, ay ang mga pawisang empleyado (na kadalasa'y mga estudyante ng kolehiyo). mga empleyadong sunog na ang balat sa tilamsik ng mantika, mga empleyadong kahig kalabaw para sa kaunting pera (sabi ng kaibigan ko'y mga PPh 24 0 23 lamang kada oras). baryang sahod para sa trabahong kalabaw lamang ang pwedeng gumawa. sa pagsailanlang ng amoy ng manok o ng fries, kumakalam ang tiyan ng crewng na piprito o naghahanda ng pagkaing ihahain sa isang customer na inip at inis na sa bagal ng anar ng pila. kung mabait ang customer, ay ok lang maghintay, malas mo lang kung sa'yo tatapat ang isang knoyotik na customer na magsasabing: "shit, you're so bagal..." sabay ayos ng bag, taas ng kilay, ay hawi ng buhok habang bumubulong ng kung anong mura. ang cashier nama'y ngingiti pa rin, magpapaumanhin (ngunit kung ako iyo'y dinuraan ko na ang softdrink niya habang nilalamanan ko ang baso nito). iisa lang ang gusto kong tumbukin: ang mcdo ay isang espasyo ng opresyon. inaalila ang mga tao upang payamanin lamang ang isang dayuhang nagtatago sa isang stripped na mascot o ng violet na si grimmace (joke: bat violet si grimmace, eh wala namang ube sa mcdo?).
paano kokontrahin o isa-subvert ang espasyong ito? isa lang ang ginagawa ko: papasok ako sa mcdo, tutuloy sa comfort room at iihi (hehehe). dumi ang tingin nila sa atin, well, literal namang dinudumihan ko sila. binabawasan ko na ang pagkain sa mcdo. gaya ng sabi ko'y pumupunta na lamang ako dito upang umihi. tinalikuran ko na ang espasyong ito bilang lugar na makakainan, isang kaiga-igayang lugar upang makipagkaibigan, isang lugar ng ngiti, ng saya, at ng magagandang ala-ala. para sa akin, wala itong pinagkaiba sa kubeta.
space 1: mcdo, ang bagong inodoro
ikalawang espasyo: mall
iisa lamang ang itinuturo ng mall - ang gumasta nang walang kapararakan. consummerism consumes the whole of our society. it is like liquor slowly intoxicating us until we become too weak to resist. pero hindi ako. ang mismong turo ng mall ang panlaban ko dito - i am an ukay goddess (hahaha ulit). bukod sa praktikalidad, bakit ko tatangkilikin ang lintang umuubos sa dugo ng mga magsasakang wala nang mapagbentahan ng kalakal? bakit ko bubuhayin ang pumapatay sa libo-libong mga negosyong bumubuhay sa libo-libong mga maliliit na empleyado.
kaya mga mall, maghanda, ingatan ang mga librong sinulat ng mga dakila... baka madekwat lamang ng isang tulad ng inyong lingkod.
ikatlong espasyo: internet
addict ako sa internet. nakagugulat ang pwede nitong gawin. sa isang mundong nawawalan ng espasyo, ang internet na ang pinakamabisang paraan o manepestasyon ng globalisasyon. pinag-iisa tayo nito na para bang ang kulay, ang linggwahe, ang mga teritoryo'y pawang arbitraryo na lamang. may leksyon din ang internet: ang ibenta ang sarili. sa panahong ito, hindi na produkto ang kalakal, mga tao na. dapat kaya mong i-market ang sarili mo upang mabili (o magustuhan) ka ng ibang tao. ito ay ipinamamalas ng mga instant messaging sevices, maging ng mga networking services.
may paraan upang lumaban. sa palagay ko'y di ko na kailangan pang ipaliwanag kung paano (dahil ito'y gamit ko na).
space 3: internet: bagong lugar ng diskurso.
alas sais na. namimigat na ang aking mata, iidlip na muna ako. magigising sa ganap na ika-walo. may pasok sa ganap na ika-siyam. ayaw ko ng relos. ayaw ko sa limitasyon.
august 11, 2004

Do All Rivers Cry?

River of tears and valley of dreams
Climbers swim the ocean of defeat.
Mountain of trust and faith
Crumbled over a grain of sand.

The mirror crashed and cried
Over a whole yet to be revived,
Sighed for the future
That would soon be a past.

And the chilling fog has covered
A sweat-flooded palm
Like a sea of sodium and chlorine…
Like a fish halved and dried.

And the mouth suckles
The nipples of a barren breast
Emptying the milk that tasted
Like bile of the greened bladder

And suddenly one wonders:
Do all eyes well up and overflow?
Do all magicians create empty illusions?
Do all hearts, minds and bodies make
A sinful soul bleed?
July 9, 2004

Friday, August 6, 2004

may takot na pumapaloob sa akin sa bawat araw na nagdadaan. may kung anong hindi ko mabigyan ng pangalan ang bumabalot sa buo kong pagkatao. minsa'y pakiramdam ko'y kinakain ng ako ng teoryang ipinapasok ko sa aking sistema. napakadami na ng mga bagay ang naituro at natutunan. nakalulunod na ang sali-salimuot na mga katotohanang inihahapag sa aking harapan. mga katotohanang sila rin mismo'y di nagkakatugma. sa isang banda, nakita ko na rin ang teoryangs sasagot sa suliraning ito - diskurso daw ang sabi ng isang habermas. ngunit sa aking palagay, ang solusyong ito ay nagbubunsod muli ng mga panibagong problema. kung ang lahat ay dadaanin na lamang sa isang diskurso, ibig bang ipagbigay katotohanan nito na wala nang absolute, na ang lahat naman pala ay maaaring i-adjust at daanin na lamang sa mabuting usapan? pano na ang katotohanan?

muli, nalulunod nanaman ako sa teorya....

Thursday, August 5, 2004

Just Wondering...

Lately, my mind has been afloat, flying to some unknown destination. A blanket of fear is enveloping me. The future is too bleak and obscure to fathom. And its obscurity has been scary. I am counting months to my graduation day and the pressure of achievement is stabbing me. What if I fail? What if I end up to the pile of those unemployed or underemployed? Where will all my sacrifices lead me?
It is difficult especially when you recognize a great responsibility placed upon you (though unspoken, it shouts expectations). And I am afraid to fail those people who depend upon me - my parents who has sacrificed meals, and comfort for my education, my brothers who has given up enjoyment for my dream. My dream is their dream. We have been woven together to create one tapestry. I do not wish to be the loose thread that will ruin the whole fabric.
All has been decided upon now. Whatever becomes of me will be the weighed by those who have watched over me. Those eyes that do not own lips yet will soon have mouths and tongues that will both chastise me and praise me.
I do not dream of affluence. I do not aim for money. But I know that though this is the kind of life I wanted to lead - no pressures, no hang-ups - I would still have to satisfy other people's comfort zones.
What if life after college is suicide? For four years, I have been cradled by liberal ideas. Ideas that has freed me as an individual and made me look forward into achieving that silver horizon that as they have said is 300 years away from me. I may not live to the day of the fulfillment of this dream but thinking alone that future as not as bleak after all is enough to fuel me to work. But what if, once this university has given birth to me, opened me to the greater world, what if life out there is suicide? Can I still crawl back to her comforting uterus of liberal ideas?
August 5, 2004

Wednesday, August 4, 2004

Conversation with a Sanitary Napkin

Mahal na kita ngayon pa lang
kahit mga mata mo'y di ko
pa naaaninag o narinig
ang tinig mong sa tingin ko'y
matinis din tulad ng akin.
Ngayon pa lang ay mahal na kita
kahit pa nga ba ika'y isang
hibla pa lamang ng hiningang
pinagpalitan sa isang saradong silid
kung saa'y ang pawis at hininga'y
nagniniig upang maging isa.
Mahal na kita subalit pipiliin
kong ika'y maging hininga muna,
maging dugong di magkakaron
ng munting mga mata o ng tinig na
tulad ng sa akin.
Madami pa akong nais gawin at
mga bagay na gustong aralin.
'Di pa handa anng aking mga
tula o ang mga oyaying aawitin
sa tabi ng duyan o kuna.
Paghahandaan ko muna ang
mga tanong na iyong itatanong
ang mga aral na aking itatanim.
Ihahanda ko muna ang aking sarili
dahil sa ngayon, di ko pa kayang
mabuhay nang para sa iba.
Ngunit nais kong sabihin
sa dugong aking palalayain:
Ngayon pa lang ay mahal na kita.


August 3, 2004

Monday, August 2, 2004

three liner


sometimes i have been thinking,
sometimes even wondering
about the irony that i have been stucked in.

days have been of pure bliss and happiness
(but they have just been fragments of memories
blown by the northern wind, sank by the raging waves)

agony and misery now feed these circuit of veins,
sadness had powered the engine of existence....
living stopped the day you forgot to say hello.

and a question has been floating my air
should i stay or should i go and ran away
from this situation that has already been an irony?

an irony....
the bliss had flown and the frown had dominated....
and yet, a part of me still longs to stay

hoping that things will turn out great
frowns will be stretched to smiles,
sadness will be defeated by happiness...

"let's just do what we have to do,"
you told me not just once....
what is left for us to do?

is it to think of you....
what are you doing, are you alright?
do you still love me or do you want to fly away?

i do not know,
i do not know,
i do not want to know.
june 1, 2004